Rambeng: Isang Natatanging Uri ng Pag-aasawa ng mga Manuvu at ang Impluwensiya ng Bagong Panahon

  • RODELLO DUMAGUIT PEPITO BUKIDNON STATE UNIVERSITY
Keywords: Mga Susing-salita: Rambeng, Manuvu, Kagun, Ginsa, Apa

Abstract

Abstrak Ang pananaliksik ay pinamagatang Rambeng: isang natatanging uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon at ang impluwensiya ng bagong panahon. Maraming tribung Manuvu ang nakakalat sa iba’t ibang lalawigan ng Mindanao, tulad ng Davao, Cotabato, at Agusan. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng sariling bansag at wika ang bawat tribu (Ebido, 2019). Kung kaya, isang hamon ang pananaliksik na ginawa sa kultura ng mga Manuvu sa Bukidnon upang mapangalagaan at mapanatili ang pagpapahalaga sa kultura at paniniwala ng mga katutubo sapagkat ang kultura ay pagbabahagihan ng kaalaman tungo sa pagkilala ng kaparaanan ng pamumuhay ng bawat isa (Hufana, N. et’al, 2018).  Layunin sa pananaliksik na masagot ang katanungan na (1) Ano ang natatanging uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon?  (2) Ano-ano ang proseso sa uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon? at (3) Ano ang impluwensiya ng bagong panahon sa uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon? Ginamitan ng Indehinus at deskriptibong paraan ang pananaliksik upang maanalisa, at mailahad ang bunga ng saliksik na dumaan sa pakikipanayam at istraktyurd na interaksyong berbal sa komunidad ng mga Manuvu para sa pangangalap ng mga datos. Natuklasan sa pagsusuri, natuklasan na ang natatanging uri ng pag-aasawa ng Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon ay tinatawag na Rambeng. Nalaman din na may kakaibang proseso ng pag-aasawa ang Rambeng ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon. Kung tutuusin, ang kasal sa mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon ay kadalasang may mga kasunduan sa pagitan ng mga magulang ng bawat panig na nasa anyong ginsa (pakiusap), kagun (bridewealth), at apa (handaan ng kasal). Sa kasalukuyan, ang proseso ng pagkakasal sa Manuvu ay naimpluwensiyahan ng makabagong panahon simula nang makapag-aral ang ilang mga katutubo ay namulat sila sa makabagong paraan ng pag-aasawa lalo na sa mga batas na ipinatupad para sa kababaihan at kabataan (VAWC); at sa makabagong paraan ng pag-aasawa na kanilang nakikita sa lipunan maging sa sosyal medya. Ngunit, may iilan pa ring mga katutubong Manuvu ang sumusunod sa kanilang kaugalian ng pag-aasawa. Napaglalahat na may tanging uri ng pag-aasawa ng mga katutubong Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon na sinusunod ng ilang katutubo bilang bahagi ng kanilang kultura sa kabila ng pagbabago ng panahon.   Mga Susing-salita: Rambeng, Manuvu, Kagun, Ginsa, Apa  

References

Mga Sanggunian
Acosta, P. (2020). Karapatan at Obligasyon ng Mag-asawa. (Hinalaw sa
https://www.bulgaronline.com/post/karapatan-at-obligasyon-ng-mag-asawa)

Afsaruddin, M. (1990) Society and Culture in Bangladesh. Dhaka: Book House.

Alam, A. Z. M. (1995). Family Values. Dhaka: Bangladesh Cooperative Society
Limited.

Carlo, B (2018). Ano ang Kultura? Kahulugan | Elemento | Kahalagahan. (Hinalaw
sa https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kahulugan-kultura-elemento-

Cavallaro, F. & Rahman, T. (2009). The Santals of Bangladesh.
(hinalaw sa https://www.researchgate.net/publication/330281849_

Charsley K. and Benson, M. (2012). Marriages of convenience, and inconvenient
marriages: Regulating spousal migration to Britain. Journal of Immigration,
Asylum and Nationality Law, 26, 1, Haywards Heath [United Kingdom]

Edico, C. (2019). Materyal At Di-Materyal na Kultura ng Tribong Dulangan Manobo.
(Di-limbag na tesis) Sultan Kudarat State University, Kalamansig Campus.

Falceso, J. (2017). Ang Kultura ng Pag-aasawa sa Pilipinas.
Hinalaw sa https://prezi.com/p/digzh1wxa2sm/kultura-ng-pag-aasawa/

Hanover Research (2014). Building a Culture of Research: Recommended Practices.
(hinalaw sa https://www.hanoverresearch.com/media/Building-a-Culture-of-
Research-Recommended-Practices.pdf#)

Hufana, N. L. (2018) Wika, Kultura at Lipunang Pilipino. Departamentong Filipino at
Iba Pang Wika, MSU-IIT, Iligan City.
Jeremaya, G. (2017). Ang Kalimitang dahilan kaya nag-aasawa. (Hinalaw sa
https://philippineone.com/ang-kalimitang-dahilan-kaya-nag-aasawa/)

Manobo Tribe (2008). Ang Tribo ng Manobo. (hinalaw sa
https://manobotribe.blogspot.com/2008/07/maniniwala-ba-kayo-kung-sa-
pagbabasa-ng.html.

Uddin, M.E. (2006) Family Structure in a Village of Bangladesh: A Cross-Cultural
Study Unpublished Ph. D. Thesis, the Institute of Bangladesh Studies,
Rajshahi: Rajshahi University.

Vancio, J. (1980) The Realities of Marriage of Urban Filipino Women.
Philippine Studies.

Republic Act No. 4846. (1966). An Act To Repeal Act Numbered Thirty-Eight Hundred
Seventy Four, And To Provide For The Protection And Preservation Of
Philippine Cultural Properties.Congress. 6th Congress of the Republic. Senate Bill No.

FRJ, (2020). 43,000 OFWs, nakauwi na sa kanilang mga probinsiya, ayon sa OWWA;
16,000 pa ang darating. GMA News. Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA).
Published
2022-12-25