Asia Pacific Journal of Social and Behavioral Sciences https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS Asia Pacific Journal of Social and Behavioral Sciences en-US Copyright holder is the Bukidnon State University. apjsbs.ojs@gmail.com (Dr. Bevery B. Bicar) Sun, 25 Dec 2022 00:00:00 +0000 OJS 3.1.0.1 http://blogs.law.harvard.edu/tech/rss 60 Pangapug: Pagdalumat sa Pundasyon ng mga Ritwal ng Tribong Talaandig sa Lantapan, Bukidnon https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=311
Abstrak

Pangunahing tunguhin sa pag-aaral na ito na mabigyang kahulugan ang mga katawagang panritwal upang mailahad at madalumat ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig. Ilalahad rin kung ano-ano ang paniniwala, kaugalian at kung paano pinapahalagahan ng tribo ang kanilang mga katawagang panritwal. Bunga ng nabanggit na mga layunin, pinagsikapang mabigyan ng paliwanag ang sumusunod na katanungan:  1. Ano ang Pangapug na ritwal ng tribong Talaandig sa Lantapan Bukidnon?  2.  Ano-ano ang mga katawagang panritwal na napapaloob sa ritwal na ito?   3.  Ano-ano   ang mga paniniwala at kaugaliang nasasalamin dito?

Pangunahing pamamaraang ginamit sa pag-aaral ang Kwalitatibong disenyo sa uring deskriptibong pananaliksik. Gumamit rin ng etnograpikong pamamaraan ang pag-aaral sapagkat ilang beses na bumisita ang mananaliksik sa lugar kung saan ginanap ang pag-aaral upang personal na makahalubilo at makausap ang mga impormante. Nagkaroon rin ng aktwal na partisipasyon ang mananaliksik sa ritwal ng tribo. Pagkatapos, isinagawa ang interbyu at focus group discussion upang higit na maunawaan at mabigyan ng malinaw na interpretasyon ang mga datos.

Lumabas sa pag-aaral na ang Pangapug na ritwal ay sadyang isinasagawa bago pa man gawin ang iba pang mga ritwal lalong-lalo na ang mga pangunahing ritwal ng tribo. Natuklasan rin na maraming katawagang panritwal na nagtataglay ng kahulugan at simbolo na ginagamit sa pagsasagawa ng pangapug na ritwal. Mayroon ring nakapaloob na mga paniniwala at kaugalian sa mga katawagang panritwal na ito.

Dahil mayaman sa mga kultural na katawagan ang Pangapug na ritwal, inirerekomendang magsasagawa pa ng pag-aaral hinggil sa iba pang ritwal ng tribong Talaandig at mga indehinus na grupo sa Pilipinas at maaaring gawan rin ng pagsusuri ang wika ng kanilang ritwal upang matukoy kung ano-anong paniniwala at kaugalian ang nakapaloob rito. Sa pamamagitan nito higit nilang makikilala, maiintindihan at lalong maunawaan ang kanilang tribo.

Mga susing-salita: pangapug, Mangangapug, inapugan, kapandulang
Judith Camino Singcolan (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=311 Sun, 25 Dec 2022 12:02:49 +0000 Oral Repeated Reading at Audio-Assisted Repeated Reading Bilang Interbensyon sa Kasanayan ng mga Mga Mag-aaral sa Gawaing Pagbasa https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=315
Abstract

This study intends to determine whether audio-assisted repeated reading or oral repeated reading could really help in the accuracy, speed and comprehension on the text reading. It aimed to answer the following: (1)  to determine the level of learning in reading of the students in pretest according to accuracy, speed and comprehension before audio-assisted repeated reading and oral repeated reading are done; (2) to determine the level of learning in reading of the students in the posttest according to accuracy, speed and comprehension after doing the audio-assisted repeated reading and oral repeated reading as intervention; 3) to determine if there is a significant difference on accuracy, speed and comprehension in the posttest of students on audio-assisted repeated reading and oral repeated reading; and (4) to determine whether of the two strategies sing no page saying on paper they burned it chamois deepa insertaudio-assisted repeated reading or oral repeated reading helped slow readers improve their accuracy, speed and comprehension.

Students from Grade 7 of Matalam High School, Cotabato were the participants of the study. Fot the research design of the study Quasi-experimental was utilized. Quantitative-Normative comparison was used in assessing the results of oral repeated reading and audio-assisted repeated reading while descriptive-qualitative was utilized in the focus group discussion.

It was found out that the accuracy and speed in reading increased when oral repeated reading and audio-assisted repeated reading were utilized.

T-test for dependent samples was utilized in determining the accuracy, speed and comprehension for the pretest and posttest of the participants. T-test for independent samples was used in testing the relationship of the results in audio-assisted repeated reading and oral repeated reading.

In summary, any of the two strategies could aid to enhance the accuracy, speed and comprehension in text reading among students who are slow in reading activity.

Abstrak

Nilayon ng pag-aaral na ito na matukoy kung alin sa audio-assisted repeated reading at oral repeated reading ang higit na makatulong sa kasanayan ng mga mag-aaral kaugnay sa kawastuhan, bilis at pag-unawa sa binasang teksto. Sinikap na sagutin ang mga sumusunod: (1) Matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pretest hinggil sa kawastuhan, bilis at pag-unawa bago isagawa ang audio-assisted repeated reading at oral repeated reading; (2) Matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa posttest kaugnay sa kawastuhan, bilis, at pag-unawa pagkatapos maisagawa ang audio-assisted repeated reading at oral repeated reading bilang interbensyon; (3) Matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba ang kawastuhan, bilis at pag-unawa sa posttest ng mga mag-aaral sa audio-assisted repeated reading at oral repeated reading. (4) Madetermina kung alin sa audio-assisted repeated reading at oral repeated reading ang nakatulong upang mapaangat ang kawastuhan, bilis, at pag-unawa ng mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na kabilang sa Grade 7 ng Matalam High School na matatagpuan sa Matalam, Cotabato.

Ginamit sa pag-aaral ang disenyong quasi-experimental. Sa kwantitatibong pamamaraan para sa pagsuri sa resulta ng oral repeated reading at audio-assisted repeated reading ginamit ang normative comparison samantalang sa kwalitatibong pamamaraan kaugnay sa deskriptibong pagsusuri ginamit ang focus group discussion.

Natuklasan na umangat ang kawastuhan at bilis sa pagbasa ng mga mag-aaral nang gamitan ng oral repeated reading at audio-assisted repeated reading.

Sa pagsusuri, ginamit ang t-test for dependent samples upang suriin ang kawastuhan, bilis, at pag-unawa sa pretest at posttest ng mga kahalok. Ginamit naman ang t-test for independent samples upang suriin ang kaugnayan ng resulta sa audio-assisted repeated reading at oral repeated reading.

Sa kabuuan, alinman sa dalawang estratehiya ay parehong nakatutulong upang pahusayin ang kawastuhan, bilis, at pag-unawa sa binasang teksto ng mga mag-aaral na may kahinaan sa gawaing pagbasa.

Maria Luz Dela Saura Calibayan, Jame Amigos Valenia (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=315 Sun, 25 Dec 2022 12:01:28 +0000 Ang KONSEPTO ng BËNGKULËN ng mga Teduray na Makikita sa Kanilang Fëgulukësën https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=322
Layon ng papel na maipamalas ang konsepto na nagpapakita ng bëngkulën sa mga kwentong bayan ng mga Tëduray sa Upi, Maguindanao. Ginamit ang kwalitatibong disenyo o naratibo ng pananaliksik, kombinasyon ng pamaraang palarawan o diskriptibo at pamaraang indehinus o pangkakatutubo. Sinuri ang mga nakalap na salaysayin o kwentong bayan sa pamamagitan ng palarawan/ deskriptibong pagsusuri, partikular ang pamaraang kontent analisis upang mailahad at masuri ang konsepto ng bëngkulën.

Mula sa mga kwentong bayan lumabas sa pag-aaral ang sumusunod na konsepto ng bëngkulën: (1) bilang mahigpit na pagsunod sa tradisyon at kaugalian ng mga Tëduray; (2) produkto ng kolektibong kamalayang Tëduray na pinagbinhi ng mga pangitaing nagmumula sa kanilang nakaraan; (3) konstruktibong panloob na pagtingin, isang kulminasyon ng gunitang ansestral mula sa pag-alok, pagtanggi, pagpigil at pagkatakam hanggang sa paglaban.
Melba B. Ijan (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=322 Sun, 25 Dec 2022 12:00:37 +0000 Pagsusuri sa Estruktura ng Ponolohiya ng Surigaonon-Cantilan sa Surigao del Sur https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=323
Naglarawan at nagsuri ang pag-aaral na ito sa estruktura ng ponolohiya ng Surigaonon-Cantilan sa Surigao del Sur. Nilapatan ito ng disenyong deskriptibong kwalitatibo. Nakuha ang mga datos mula sa mga impormante na lehitimong mamamayan sa mga bayan ng Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen at Lanuza na naging saklaw ng pag-aaral. Natuklasan na ang Surigaonon-Cantilan na wikain  ay mayroong anim (6) na ponemang patinig: /i/, /e/, /ǝ/ , /a/,  /o/ at  /u/; at labimpitong (17) ponemang katinig:  /p/, /b/, /t/, /d/, /k/, /g/, /s/, /h/, /m/, /n/, /η/, /l/, /r/, /y/, /w/, /ˀ/ at /j/;  Ginagamit ang mga ponemang ito sa unahan, gitna at hulihan ng mga salitang Cantilangnun maliban sa /j/ na walang gamit sa hulihan ng salita. Ang mga diptonggo na /aw/, /iw/, /ay/, /oy/ at /uy/  ay nakapaloob din sa mga salitang  na maaaring makikita sa una at huling pantig ng salita. Natuklasan din ang dalawamput dalawa (22) na mga klaster sa wikang pinag-aralan: br, by, dy, dj, dr, dy, gr, gw, hy, kl, kr, kw, ky, ly, pl, pr, pw, py, sw, sy,  tr at ty at nakikitaan din ng pares minimal ang wikaing ito. Apat na diin ang natukoy sa pag-aaral, ang malumay, malumi, mabilis at maragsa.
Annie Yparraguirre Samarca (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=323 Sun, 25 Dec 2022 11:59:46 +0000 Rambeng: Isang Natatanging Uri ng Pag-aasawa ng mga Manuvu at ang Impluwensiya ng Bagong Panahon https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=325
Abstrak

Ang pananaliksik ay pinamagatang Rambeng: isang natatanging uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon at ang impluwensiya ng bagong panahon. Maraming tribung Manuvu ang nakakalat sa iba’t ibang lalawigan ng Mindanao, tulad ng Davao, Cotabato, at Agusan. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng sariling bansag at wika ang bawat tribu (Ebido, 2019). Kung kaya, isang hamon ang pananaliksik na ginawa sa kultura ng mga Manuvu sa Bukidnon upang mapangalagaan at mapanatili ang pagpapahalaga sa kultura at paniniwala ng mga katutubo sapagkat ang kultura ay pagbabahagihan ng kaalaman tungo sa pagkilala ng kaparaanan ng pamumuhay ng bawat isa (Hufana, N. et’al, 2018).

Layunin sa pananaliksik na masagot ang katanungan na (1) Ano ang natatanging uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon?  (2) Ano-ano ang proseso sa uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon? at (3) Ano ang impluwensiya ng bagong panahon sa uri ng pag-aasawa ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon? Ginamitan ng Indehinus at deskriptibong paraan ang pananaliksik upang maanalisa, at mailahad ang bunga ng saliksik na dumaan sa pakikipanayam at istraktyurd na interaksyong berbal sa komunidad ng mga Manuvu para sa pangangalap ng mga datos.

Natuklasan sa pagsusuri, natuklasan na ang natatanging uri ng pag-aasawa ng Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon ay tinatawag na Rambeng. Nalaman din na may kakaibang proseso ng pag-aasawa ang Rambeng ng mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon. Kung tutuusin, ang kasal sa mga Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon ay kadalasang may mga kasunduan sa pagitan ng mga magulang ng bawat panig na nasa anyong ginsa (pakiusap), kagun (bridewealth), at apa (handaan ng kasal).

Sa kasalukuyan, ang proseso ng pagkakasal sa Manuvu ay naimpluwensiyahan ng makabagong panahon simula nang makapag-aral ang ilang mga katutubo ay namulat sila sa makabagong paraan ng pag-aasawa lalo na sa mga batas na ipinatupad para sa kababaihan at kabataan (VAWC); at sa makabagong paraan ng pag-aasawa na kanilang nakikita sa lipunan maging sa sosyal medya. Ngunit, may iilan pa ring mga katutubong Manuvu ang sumusunod sa kanilang kaugalian ng pag-aasawa. Napaglalahat na may tanging uri ng pag-aasawa ng mga katutubong Manuvu sa Kitaotao, Bukidnon na sinusunod ng ilang katutubo bilang bahagi ng kanilang kultura sa kabila ng pagbabago ng panahon.

Mga Susing-salita: Rambeng, Manuvu, Kagun, Ginsa, Apa

RODELLO DUMAGUIT PEPITO (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=325 Sun, 25 Dec 2022 11:58:45 +0000 Preferensyang Wika sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Mother-Tongue sa Distrito ng San Miguel: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Panturo https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=326
Ang palarawang kwalitatibo at kwantitatibo pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng preferensyang wika para sa pagtuturo at pagkatuto ng Mother Tongue sa Distrito ng San Miguel sa Surigao del Sur. Binigyang tuon nito ang pagtukoy ng preferensiyang wika  para sa pagtuturo at pagkatuto ng Mother Tongue ayon sa mga respondenteng: mag-aaral, guro, at, magulang; suliraning kinakaharap ng mga respondenteng guro at magulang sa pagtuturo at pagkatuto ng Mother Tongue; at, ang angkop na kagamitang panturo na mabubuo mula sa kinalabasan ng pag-aaral. Ginamit ang complete enumeration sample sa pagpili ng mga respondenteng guro na nagtuturo ng Mother Tongue sa una hanggang ikatlong baitang ng mga paaralang Elementarya ng Distro ng San Miguel . Convenient Sampling naman ang ginamit sa pagtukoy ng mga respondenteng mag-aaral at magulang. Natuklasan sa pag-aaral na ang preferensiyang wika ng mga respondenteng mag-aaral, guro at magulang para sa pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Mother Tongue ay wikang San Miguelnon. Naging suliranin nila ang paggamit ng wikang Cebuano/Binisaya bilang midyum  sa pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Mother Tongue dahil ito’y taliwas sa kanilang unang wika. Mula sa preferensiya at suliranin nabuo ang Modyul bilang angkop na kagamitang panturo sa Mother Tongue.

MERLYN ETOC AREVALO (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=326 Sun, 25 Dec 2022 11:57:38 +0000 Pag-unlad ng Interes sa Filipino Gamit ang Modified Video-Assisted Discussion (MVAD) sa Birtuwal na Espasyon sa Bagong Normal https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=308
Ang aksiyon riserts na ito ay may layong bumuo ng Modified Video-Assisted Discussion (MVAD) bilang tugon sa mababang interes ng mag-aaral sa Baitang 10 ng CMU Laboratory High School sa asignaturang Filipino. Ginamit ang Mixed Method sa pangangalap ng datos sapagkat parehong inilapat ang kwantitatibo at kwalitatibong disenyo sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga nalikom na numerikal at deskriptibong datos. Convenience sampling naman ang ginamit sa pagpili ng mga respondente na nakabatay sa kung sino lamang ang puwede. Sa 115 na kabuoang populasyon ng baitang 10 ay 85 lamang ang tumugon sa unang sarbey habang 79 naman sa ikalawang sarbey. Natuklasan na naging pangunahing problema ng mag-aaral ang nakababagot na Posted Video-Assisted Discussion (PVAD) kaya hindi nila ito pinanood. Nagsilbing tugon ang MVAD sa mababang interes ng mag-aaral sa baitang 10. Naging epektibo ang MVAD dahil nakuha nito ang atensiyon ng mag-aaral, napataas ang interes sa asignaturang Filipino, at nagkaroon ng mabisang interaksiyon at aktibong partisipasyon sa kasagsagan ng talakayan sa birtuwal na espasyo.
Julie Ann Asari Orobia (Author) ##submission.copyrightStatement## https://creativecommons.org/licenses/by-sa/4.0 https://research.buksu.edu.ph/index.php?journal=APJSBS&page=article&op=view&path%5B%5D=308 Sun, 25 Dec 2022 12:03:47 +0000